Sabado, Agosto 23, 2014

Sinaunang Kabihasnan

SINAUNANG KABIHASNAN

 


    
    Ang Sinaunang Kabihasnan ay tumutukoy sa kalagayan ng mga tao noong unang panahon. Nakapaloob dito ang mga sinaunang pananamit, hanapbuhay, tirahan, kapaligiran at ang sinaunang paraan ng pamumuhay.

    Bago pa man maging maunlad ang pamumuhay natin, dumaan muna tayo sa Sinaunang Kabihasnan. Kaya ang Sinaunang Kabihasnan ay parte ng ating Kasaysayan.

    Ang Sinaunang Kabihasnan ay sobrang mahalaga sa atin. Dahil dito natin nalalaman kung ano ang pinagmulan ng mga bagay katulad ng mga damit, pagkain at marami pang iba. Kaya hindi dapat ito binabalewala. Katulad ng sabi ko kanina, ang Sinaunang Kabihasnan at ang Kasaysayan ay magkaugnay. Kapag walang Sinaunang Kabihasnan, hindi mabubuo ang ating kasaysayan. Kaya ang mangyayari, kulang-kulang ang ating kaalaman sa pinagmulan ng mga bagay at sa mahahalagang pangyayari noong unang panahon. At kapag walang Kasaysayan, mahihirapan din tayong alamin ang ating Sinaunang Kabihasnan.




    Ayon sa librong nabasa ko, mayroon din tayong kauna-unahang kabihasnan sa buong mundo. Tinatawag itong Kabihasnang Mesopotamia. Nagmula ang pangalang Mesopotamia sa wikang Greek na mesos at potamos na ang ibig sabihin ay "sa pagitan ng ilog". Ito ay dahil sa ang kabihasnan ay umunlad sa pagitan ng Tigris at Euphrates River.
 




    Ayon din sa aking natutunan sa inyong mga nasambit na salita at pinasulat sa amin tungkol sa Sinaunang Kabihasnan, ang Sinaunang Kabihasnan ay umiiral kapag ang tao ay marunong bumasa at sumulat pati na ang kakayahan at talino sa pagtatala ng kasaysayan ng kanilang pamumuhay.

    Ang iba ay pinaiiral pa rin ang kanilang nakaugalian o nakasanayang Sinaunang Kabihasnan dahil pinapataas nito ang ekonomiya ng isang bansa at nagiging mas madaming turista ang pumupunta sa isang bansa dahil sa kaakit-akit nitong mga Sinaunang Kabihasnan.

    May mga kabataan din na nagiging interesado sa ating kasaysayan dahil sa mga magagandang Sinaunang Kabihasnan na kanilang kinalakihan at kanilang nakasanayan hanggang sa kanilang pagtanda.
 



 

Sabado, Agosto 16, 2014

Ang Aking Impresyon Sa Digmaan Sa Gitnang Silangan

  Digmaan sa Libya at Israel


             Ang digmaang nangyayari sa Libya at Israel ay isang seryosong isyu sa Asya ngayon. Hindi ito basta-basta lang at hindi dapat ito ipagwalang bahala. Mas malala pa ito sa digmaang naganap sa Korea. Kaya dapat bigyan na ito ng sapat na aksyon.




      Nang una akong makapanood ng balita sa telebisyon tungkol dito, hindi ako makapaniwalang may nagaganap pala na digmaang katulad nun. Akala ko maayos lahat ng bansa sa Asya. Pero hindi naman pala lahat. May ibang bansa pala na dumaranas ng matinding paghihirap dahil sa mga digmaang nagaganap sa kanila at yun ay sa Libya at Israel.

      Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari sa kanila. Bagkus, nalulungkot ako. Wala dapat nangyayaring digmaan sa kanila kung walang mga teroristang walang puso ang gumagawa ng mga bagay na ikasasanhi ng gulo sa mga bansa. 

      Nagkakasalungat na din ng mga iniisip ang mga tao. Ang akala nilang tama ay mali pala at ang akala nilang mali ay ang mga tama pala. Hindi na nila alam kung ano ang dapat nilang gawin at paniwalaan. Kaya nagdudulot na ito ng digmaan. Dahil sa mga digmaang nagaganap, madaming inosenteng tao ang namamatay ng walang laban. Ang dapat sanang payapang bansa ay nagiging magulong bansa.

      Ang mga kababayan nating Filipino sa Libya ay pinapauwi na din sa Pilipinas. Yung iba ay hindi na nakakauwi at nasasama na sa mga namamatay sa digmaan.




            Marami na ding mga pag-aari ang nasira. Halos inuubos na ng mga terorista ang lahat ng bagay na nasa Libya at Israel. 




       Nakakalungkot isipin na ang dating mga may buhay at pag-asa na bansa ay nawawalan na ng buhay at pag-asa. Wala na talagang makitang solusyon para maayos pa ang mga ito. Ang ibang tao ay sumusuko na, ang iba naman ay lumalaban pa. Pero naniniwala ako na darating din ang araw na magiging payapa pa ang mga bansang ito at muling uunlad katulad ng dati.